HOROSCOPE | Hunyo 13, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 13, 2019 (Huwebes): Takot sa iyo ang mga kaaway mo. Takot din sa iyo ang mga nasa tabi mo dahil alam nilang napakahirap mong kalabanin. Ito ang mensahe para sa iyo ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Wala kang dapat iwasan. Ituloy mo ang iyong laban. Sila ang dapat umiwas sa iyo dahil ang panalo ay sa iyo lamang nakalaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dinidiligan ng ulan ang lupa at naglalabasan ang mga halaman. Sa ngayon ay gumaganda ang takbo ng iyong buhay dahil naglilitawan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-20-21-26-34.
GEMINI (May 21- June 20) - Kaya lang mukhang bumabagal ang iyong pag-asenso ay dahil nalilibang ka sa mga pagsasaya kung saan aminin mo na pagsasayang lang ito ng lakas at kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-24-27-31-35-43.
CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Nagpasya ang langit na bigyan ka ng kasiyahan kung saan mag-uumapaw ang iyong mga biyaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-28-41-42-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Damhin mo ang saya mula sa nagpapakita sa iyo ng espesyal na pagtingin. Huwag mo ng ulitin pa ang dati mong ginawa na pinipilit mong hindi mahalata ang iyong kasiyahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-18-24-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Harapin mo ang iyong obligasyon. Huwag mo itong iwasan dahil nakaalalay sa iyo ang langit. Ang mga tulong ay ilalagay Niya sa iyong harapan dahil espesyal ang pagmamahal sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-19-29-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong kakayahan sa pagtutuos. Timbangin mo ang magaganda at mapapangit mong karanasan sa buhay. Ito ay para matuklasan mo ang lantad na katotohanan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-26-34-37-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda ang takbo ng iyong buhay. Ituloy mo ang pagiging masinop at iwasan mong maging maaksaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-16-21-32-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang tumingin sa kaliwa at kanan dahil ang sikreto sa maunlad na buhay ay ang pagtutok sa nasa harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-14-30-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mag-alinlangan at magdududa sa iyong kakayahan. Balikan mo ang nakaraan kung kailan napagwagian mo ang mabibigat na hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-37-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumapit ka sa katotohanan, hindi ka isinilang para gawing alipin ninuman. Ito ang magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at tapang nang sa gayun ay makatakas ka sa pangit na kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-15-17-24-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng tapang sa mga nasa paligid mo na hindi natatakot makipagsapalaran. Dito sa mundo, ang ayaw makipagsapalaran ay kaagad na napabibilang sa hanay ng mga talunan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-25-27-37-45.




Comments