Bi-bingo ka 'pag mahina ang pick-up mo… PERFECTIONIST NA COMEDIAN-TV HOST, AYAW NG BOBONG KAUSAP
- Erlida Rapadas
- Jun 13, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
KUNG sa pagiging propesyonal sa trabaho ay walang masasabi sa isang magaling na comedian/TV host. Hindi siya naging problema sa kanyang mga hinawakang TV shows at wala siyang shows/concert na ibinitin. Sobrang dedicated siya sa trabaho kapag kanyang tinanggap.
Matsika rin siya sa mga kasamahang artista. Hindi siya nagdi-demand ng VIP treatment sa anumang events na kanyang pinupuntahan.
Matalino, smart at updated din ang comedian-TV host sa mga latest news at kaganapan sa paligid. Hindi siya napag-iiwanan sa mga balita. May kakaiba rin siyang karisma sa tao at hindi plastic sa pakikitungo.
Ang napapansin lang ng mga tao sa paligid ng comedian-TV host ay ang pabagu-bago niyang moods. Minsan, OA ito sa pagka-Mr. Friendship, kaway-kaway at tsika-tsika sa lahat. Pero minsan, tahimik lang at dedma kahit sa mga malalapit na kaibigan.
Isa pang ugali ng comedian-TV host ay ang pagka-perfectionist nito sa lahat ng bagay. Ayaw ng magulo at makalat na kapaligiran. Ayaw din niya sa makukulit na tao at ‘yung hindi makaintindi kahit na simple instructions lang. Gusto niya, kasingtaas ng level ng IQ niya ang mga taong nakakausap niya.
Bipolar tuloy ang tawag sa kanya — minsan, mabait, minsan, masungit! Pero, sa larangan ng pag-ibig siya nasisira. Hindi niya nade-detect kung naloloko na siya.





Comments