top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Anak ni Sen. Pacquiao, nagsalita na… HEAVEN, DATUNG LANG DAW ANG HABOL KAY JIMUEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2019
1 min read

SA launching ni Jimuel Pacquiao bilang bagong BNY endorser, agad na idinepensa ng anak ni Sen.

Manny Pacquiao ang girlfriend na si Heaven Peralejo sa paratang ng ilang bashers na gold digger o mukhang pera ang young actress.

Ayon sa binatang Pacquiao, kilala niya si Heaven at ‘di niya kinakitaan kahit kailan ng ganitong ugali ang kasintahan.

Sa pamba-bash na tinatanggap ng GF, positivity ang ibinibigay ni Jimuel kay Heaven at pi­napayuhan na lang na mag­patuloy at ‘wag pansinin ang mga bashers dahil ‘di na­man siya kilala ng mga ito.

Ang maganda sa dalawa ay nagsimula silang mag­ka­ibigan bago nauwi sa re­lasyon. Pormal palang ki­nausap at nagpaalam si Ji­muel sa mga magulang at sa mga lolo at lola ni Heaven at ang aktres din pala ang kauna-unahan niyang girlfriend.

Masaya rin si Jimuel da­hil pareho na silang endorsers ni Heaven ng BNY. Excited siya dahil kasabay ng trabaho ay magkakasa­ma na silang bibiyahe ni Heaven kapag may mga out-of-town events ang BNY.

Katulad ng ama ay pinasok na rin ni Jimuel ang pagboboksing. Buo naman ang suportang ibinibigay ni Heaven kay Jimuel, pero katulad ng ina ng BF na si Jinkee Pacquiao ay lagi rin siyang kinakabahan ‘pag may laban ito.

May mga showbiz offers din na nata­tanggap si Jimuel na ipinadadaan pala sa inang si Jinkee. Pero sa kabila nito ay ‘di pa nakikita ni Jimuel ang sarili na papasukin ang showbiz industry.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page