Pugante tipok sa shootout
BOHOL—Isang pugante ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad na aaresto sa kanya, kamakalawa sa Bgy. Saguise, Getafe sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ernesto Ongos, preso sa Cebu City Jail na may kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid na si Ongos ay tumakas sa kanyang piitan noong Hunyo 2, 2019, pero kamakalawa ay natunton ng pulisya ang pinagtataguan nito, pero imbes na sumuko ay pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments