top of page
Pokwang.jpg

Pagbebenta ng China flag sa Luneta, talupan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2019
1 min read

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagkalat ng litrato ng umano’y pagbebenta ng China flag sa Luneta Park.

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens kung saan may mga nagbiro habang marami ang nabahala dahil lantaran itong pambabastos sa bansa ngayong Araw ng Kalayaan.

Pinaiimbestigahan na ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang naiulat na umano’y bentahan ng watawat ng Tsina sa loob ng naturang parke.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, inatasan na niya ang Manila Police District Office para imbestigahan ang pangyayari. Kung totoo man ito, nais malaman ng opisyal ang motibo ng pagbebenta nito.

Nauna nang sinabi ng National Parks Development Committee (NPDC) na namamahala sa Luneta Park na nakunan ng CCTV ang paglapit ng lalaki sa ilang vendors sa lugar.

Sa halagang P100 bawat isa, inutusan umano ang mga tindero na ibenta sa publiko ang watawat ng China.

Anuman ang intensiyon ng umano’y bentahan ng watawat ng Tsina, dapat umanong gumawa ng hakbang ang mga security personnel ng parke upang hindi ito matuloy.

Araw ng Kalayaan man o hindi, dapat nating pahalagahan ang kalayaan na ipinaglaban ng ating mga kababayan at patuloy tayong lumaban para sa ating bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page