Kahit super-bongga ng suot… ANNE, PINAGHAWAK LANG NG MIC SA BB. PILIPINAS CORONATION NIGHT
- BULGAR

- Jun 12, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAKIPAGSABAYAN sa ganda at pabonggahan ng gown si Anne Curtis sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas sa ginanap na coronation night noong Linggo (June 9) sa Smart Araneta Coliseum.
Agaw-eksena raw ang magaling na aktres, kung saan nagpalit ito ng apat na gowns na gawa ng mga sikat na fashion designers tulad nina Michael Cinco, Michael Leyva at Patty Ang.
Kasabay ng pagpapalit niya ng gown, apat na beses ding nagpalit ng hairstyle ang aktres.
Highlight din ang naging paghawak ng mic ni Anne sa Q and A para sa Binibini candidate mula sa Sorsogon na si Maria Isabela Galeria.
Nag-explain naman si Miss Sorsogon sa kanyang Instagram account at sinabing wala siyang intensiyon na paghawakin ng mikropono ang magaling na aktres. Pinuri rin niya si Anne sa pagiging polite at mabait nito.
Aniya, “So today I woke up as a meme. I honestly had no bad intentions towards @annecurtissmith I was just really nervous and was concentrating to answer the question being asked.
“Anne is a superstar and was very kind, polite and gracious to all of us. It was a pleasure and inspiring to be in her presence.”
Agad namang nag-comment ang aktres at sinabing wala siyang dapat ipag-alala.
Ani Anne, “Hey gorgeous! Don’t worry about it and don’t mind the memes. All of you were nervous and had to concentrate on one of the most crucial parts of the pageant – Q & A.”
Dagdag pa niya, “It was an honour to be of service to you and all the beautiful candidates. Ganyan lang talaga minsan. May mga kulit moments na hindi palalampasin ng Madlang Pipol. [laughing emoji] Congratulations on your performance last night @mariaisabelagaleria.”
Hindi rin nakalampas sa co-host ni Anne sa It’s Showtime na si Vice Ganda ang ginawang paghawak ng aktres ng mic para sa kandidata.
“Ang sabi ng mga bakla, ang ganda ng suot ni Anne Curtis, pinaghawak ng mic,” biro ni Vice.





Comments