HOROSCOPE | Hunyo 12, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 12, 2019 (Miyerkules): Tulad ng Haring Araw, ikaw ay sumikat at nagbibigay-liwanag, init at lakas. Ito ang kontribusyon mo sa maraming tao at ito rin ang papel mo sa mundo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka, kalimutan mo muna ang mga problema! Kumikilos ang langit kung saan inaalis Niya ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak para mas lalo pang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-10-28-30-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang batong hindi natitinag. Ang totoo nga, takot ang mga kaaway mo na banggain ka dahil alam nilang hindi ka magpapatalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-23-28-39-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Nakikipaglaro ang hangin sa mga dahon at sanga ng punongkahoy. Ito ay larawan ng masayang mundo. Kung gusto mong sumaya, ikonsidera mo na ang buhay ay parang laro lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-27-31-33-37.
CANCER (June 21- July 22) - Lahat ng ilog, sa dagat ang buhos. Huwag kang mag-alala, ang lahat ng iyong pagkilos ay mauuwi sa katuparan ng iyong mga ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-16-27-33-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Katamtamang init ang kailangan ng tao dahil ang sobrang init ay hindi makabubuti para sa iyo. Kontrolin mo ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-8-15-28-31-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mong kusang gumalaw ang mga pangyayari. Wala kang dapat ikabahala dahil kusa ring inaayos ng langit ang hindi magagandang nagaganap sa mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-25-38-44-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang magiging pasya mo. Ang nakagugulat dito, tama at makabubuti sa iyo ang biglaang pagpapasya. Ang totoo, kapag matagal mong pinag-aralan ang iyong desisyon, nagkakamali ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-21-23-30-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makagaganda para sa iyo ang mayroong kakuwentuhan. Sa pakikipagkuwentuhan, madaragdagan ang iyong kaalaman at hindi ka mahuhuli sa bagong balita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-18-22-24-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mabibigla! Kailangan mo sa buhay ang mga kontrabida. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-17-25-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, maganda ang mabagal na tulad mo dahil ang mabilis at palaging nauuna ay kadalasang una ring nabibiktima ng mga mapagsamantala sa kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-22-26-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Akala ng kakausap sa iyo ay iniintindi mo siya. Ang hindi niya alam, bihira kang magseryoso. Akala ng iba, kaya ka nilang mahawahan ng lungkot, ang hindi nila alam, mabilis kang sumaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-24-27-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang gagaling kung lalabas at mamamasyal ka. Magtatagal ang karamdaman kapag palagi kang nasa loob ng bahay. Ikonsidera mo ang katotohanang ito tungkol sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-23.




Comments