top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Crane bumagsak, 7 nadale

Jersey Sanchez
Jun 12, 2019
1 min read

ISA ang nasawi habang anim ang nasugatan nang bumagsak ang malaking crane sa apartment building at parking garage sa Dallas, Texas.

Ayon sa Dallas-Fire Rescue Department, lima sa mga nasugatan ang nasa kritikal na kondisyon habang ang isa ay nasa maayos nang kalagayan.

Nabatid na apat na palapag ng naturang apartment building ang nawasak ng bumagsak na crane.

Tuluyang bumagsak ang crane sa ibabang bahagi ng apartment at napinsala ang mga sasakyan na nasa garahe.

Nakaranas ng severe storms sa Dallas na may kaakibat na malalakas na hangin kung saan ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng crane.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page