PHL BLU BOYS, BABANAT SA WORLD MEN SOFTBALL

NAKATAKDANG umalis bukas ang Men’s Softball team patungo sa Czechoslovakia para lumahok sa prestihiyosong Men’s Softball World Championship na aarangkada sa Hunyo 16 sa Prague.
Kilala sa pamosong moniker Blu Boys, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga kalaban sa sampung araw na torneo tampok ang 16 mga bansa sa limang kontinente at lahat ay determinadong sungkitin ang prestihiyosong korona ilang buwan ang nakalipas matapos lumaro ang kanilang counterparts, Blu Girls sa Asia Cup Women Softball Qualifying na ginawa sa Indonesia. Ang torneo ay final preparation sa darating na Southeast Asian Games kung saan defending champion ang mga Pinoy.
Ang pagsali ng Blu Boys sa Men’s Softball World Championship ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.
Ang koponan ay pinalakas ng limang battle-tested pitchers na sina Leo Barredo, Marlon Pagkaliwagan, EJ Sariemento, George Marquez at Reagan Pareca na gagabayan ni head coach Eufracio dela Cruz, katuwang sina assistant coaches Alex Estipular, Romy Bumagat at pitching coach Nonong Sta. Maria at Roger Rojas.
Labing anim na mga bansa na hinati sa dalawang gupo ang kalahok sa torneo na may basbas ng International Softball Association at unang nilaro sa Czech Republic.
Nasa Group “A” ang Pilipnas kasama ang host Czech Republic, Japan, Argentina, Mexico, Botswana, Cuba at New Zealand. Nasa Group “B” ang United States, Canada, Venezuela, South Africa, Netherlands at Denmark.





Comments