top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka nilikida ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Jun 10, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Sto. Domingo sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Joey Antonio, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na pauwi na umano si Antonio nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page