LEGACY SA CANADA ANG RAPTORS CROWN
- BULGAR

- Jun 10, 2019
- 2 min read

ANG NBA crown para sa Toronto Raptors ang maghahatid sa basketball legacy sa buong Canada, ipagdiriwang nila ang lalim ng ugat ng pinanggalingan ng sport’s inventor na lugar ng unang NBA game.
Sisikapin ng Raptors na maging unang team sa labas ng Estados Unidos na masungkit ang trono, ginapi ang Golden State, 105-92 noong Biyernes at itinala ang 3-1 lead kontra sa defending champion, Warriors, sa best-of-seven series at papasok ngayong araw sa Game 5 sa Toronto.
Ginising ng tanging NBA club ng Canada ang kamalayan ng marami para sa pagmamahal sa basketball bukod sa ice hockey, nag-party sa Jurassic Park ang fans para sa katuwaan ng buong bansa.
“You would need to be probably asleep or something if you didn’t realize that everybody is pretty excited,” saad ni Raptors coach Nick Nurse. “It’s the first time. Any team that goes through this the first time has an abundance of energy about their team.”
Ang pagmamahal ng Canada sa basketball ay noong panahon pa ni James Naismith, ang sport’s founder na isinilang sa Scotland pero naging immigrant at nanirahan sa isang bukirin ng southwest ng Ottawa noong 1861.
Si Naismith ang lumikha ng basketball bilang winter indoor activity at dati rin siyang physical education teacher sa isang Christian boys school sa Springfield, Massachusetts, ang tahanan ng Basketball Hall of Fame ngayon.
Isinulat niya ang rule book sa edad na 30, unang gumamit ng peach baskets bilang unang shot targets, at bago ang kanyang kaarawan sa edad na 78 noong 1939, ang kanyang sport ay nilaro sa Olympics at naging US national college tournament.
“We also owe Dr. Naismith a lot in terms of his vision for global popularity,” saad ni NBA commissioner Adam Silver. “Shortly after he invented the game in 1891, he and other Christian missionaries brought the game overseas, to China, throughout Asia and to Europe. It’s why in 1936, basketball became an Olympic sport and in essence, the rest is history. Here we are today with very much a global sport, one of the most popular sports in the world.”
Ang unang NBA game ay idinaos sa Toronto noong 1946, nang talunin ng New York Knicks ang Toronto Huskies, 68-66, sa harapan ng may 7,000 mga manonood sa Maple Leaf Gardens, kung saan si Ossie Schectman ng Knicks, Amerikanong anak ng Russian immigrants ang unang nakapagsalpak ng basket sa kasaysayan ng NBA. (MC/ATD)





Comments