top of page

Kaya bro, huwag kang papayag na magkalayo kayo... BINATANG SA SANDALING SINUNDO ANG GF SA PROBINSIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ay inilayo sa akin ang girlfriend ko ng mga kamag-anak niya kung saan pinauwi siya sa probinsiya at ang buong akala nila ay wala na kaming komunikasyon.

  2. Pero, alam ko ang buong detalye ng nangyari at alam ko rin kung saan siya itinago ng mga kamag-anak niya.

  3. Nasa probinsiya raw siya at ang sabi niya sa akin ay puntahan ko raw siya at pagkatapos ay magtanan na kami.

  4. Wala na kasing mga magulang ang girfriend ko at ang nag-aaruga sa kanya ay ang mga tiyahin at tiyuhin niya na pinagmamalupitan daw siya.

  5. Mula nang inilayo siya sa akin ng mga kamag-anak niya ay pinagmamalupitan at palagi na siyang ikinukulong.

  6. Sabi ng girlfriend ko, ‘pag sinundo ko raw siya ay sasama na siya sa akin tutal naman daw ay may stable work na ako at nasa tamang edad na kami.

  7. Ang gusto kong malaman ay kung tama ba na puntahan ko ang girlfriend ko sa probinsiya at itanan ko na siya?

  8. Nalilito ako ngayon kung dapat na ba akong mag-asawa o hindi pa at kung talaga bang compatible kami ng girlfriend ko na Pisces habang Virgo naman ako?

KASAGUTAN

  1. Sa edad mong 26 at 26 na rin ang girlfriend mo, masasabing nasa legal age na kayo para mag-asawa at gumawa ng mga bagay sa sarili ninyong pagpapasya.

  2. Kaya kung mahal mo talaga ang girlfriend mo at siya na ang gusto mong mapangasawa, gayundin, kung mahal ka rin talaga niya at ikaw na ang gusto niyang mapangasawa, walang dahilan upang hindi mo sundin ang girlfriend mo saanman siyang probinsiya naroroon upang magsimula na kayo ng sarili ninyong pamilya.

  3. Samantala, kayo na ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong girlfriend anuman ang mangyaring aberya o problema sa inyong pagmamahalan. Ito ang nais sabihin ng maganda at maayos na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya tulad ng nasabi na, puwede mo na siyang puntahan sa probinsiya o kung saanmang lugar siya itinago ng kanyang mga kamag-anak sapagkat tiyak na ang magaganap, hindi na maaawat pa ang pagmamahalan ninyo ng girlfriend mo na madali namang kinumpirma ng maayos at maganda ring Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na nagsimula pa sa Bundok ng Kaligayahan (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na minsan pa, maaaring ngayon lang may problema sa inyong relasyon, pero kapag naikasal na kayo at nagsama, matitiyak at masisigurado na ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN Habang, ayon sa iyong mga datos, Mr. Virgo, anu’t anuman ang mangyari at ang iyong pasya, sa bandang huli, sadyang malinaw na malinaw ang magaganap, kayo na nga ng kasalukuyan mong girlfriend ang nakatakdang magsama at bumuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Agosto o kaya ay Setyembre, sa edad mong 27 at 27 din naman ang girlfriend mo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page