top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Derek, sandali pa lang daw nakakasama, naahas na… FANS KAY ANDREA, MANG-AAGAW NG BF!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10, 2019
  • 1 min read

NAPAKA-UNFAIR para sa Kapuso actress na si Andrea Torres na mapagbintangan na isang “boyfriend snatcher.” Siya kasi ang itinuturong third party sa breakup ni Derek Ramsay at ng GF nitong modelo na si Joanne Villablanca.

Almost six years na ang relasyon nina Derek at Joanne at nasabi na nga noon ng aktor na ang GF na ang kanyang pakakasalan.

Si Andrea naman ang leading lady ni Derek sa upcoming serye nila sa GMA Network, ang The Better Woman. Ilang beses pa lang silang nagkikita sa teyping, so paano naman mangyayaring agad-agad, eh, magiging magkarelasyon na sina Andrea at Derek?

Still on Derek, may mga nagsasabing tila may sumpa ang aktor kaya hindi nagtatagal ang relasyon.

‘Yung sinasabing “6-year curse” na kapag umabot na sa 6 years ang relasyon niya sa babae, eh, nagkaka­hiwalay na, tulad na lang daw nang nangyari sa kanila ni Solenn Heussaff at ni Angelica Panganiban.

Maraming naaawa kay Angelica dahil nakita ng kanyang mga kaibigan kung gaano niya itinodo ang kanyang pagmamahal sa aktor. Pero sad to say, nauwi rin sa paghihiwalay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page