Pambansang Bae, kaya lalong sinusuwerte… ALDEN, NAGPATAYO NG ISKUL PARA SA MGA MANGYAN SA MINDORO
- BULGAR

- Jun 9, 2019
- 1 min read

ILANG grupo ng mga Mangyan sa Sablayan, Occidental Mindoro ang nais magpaabot ng kanilang pasasalamat sa Kapuso actor at Pambansang Bae na si Alden Richards.
Isa raw si Alden sa mga tumulong upang makapagpatayo ng school buildings sa bayan ng Sablayan. At ito ay nagagamit na ng mga batang Mangyan na nag-aaral na ngayon.
Well, hindi lang naman ang pagpapatayo ng eskuwelahan ang ginagawa ni Alden dahil nagdo-donate rin ito sa pagpapatayo ng mga simbahan at kapilya sa iba’t ibang lugar. May mga tinutulungan din siyang estudyante.
Marami pang charity works na ginagawa si Alden at ito ang paraan niya ng pagse-share ng mga blessings na dumarating sa kanyang buhay. Kaya naman patuloy pa rin ang pagdating ng suwerte sa kanya.
At sa kabila ng kanilang paghihiwalay ni Maine Mendoza bilang love team, tinatanggap na rin ng mga fans kung sino ang nakakasama niya sa pelikula. Tulad ni Kathryn Bernardo na kapareha niya sa Hello, Love, Goodbye.





Comments