ISANG HAKBANG NA LANG RAPTORS, KAMPEON NA!


MAHIRAP tanggapin ng fans na uuwing 0-2 ang Golden State Warriors sa final playoffs sa nagdaang dalawang laban sa Toronto Raptors.
Pero sadyang mailap ang suwerte sa GSW ngayon, dahil ang Raptors ang nanaig kahapon, 3-1, laban sa team ni Steph Curry na battle-tested champions.
Pero isang panalo na lamang ang kailangan ng Raptors para maangkin na ang korona sa NBA.
Umiskor si Kawhi Leonard ng 36 points, 17 sa pivotal third quarter, nang pabagsakin ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors, 105-92, kahapon at isang hakbang na lang ang kailangan para sa NBA championship. “Just (got to) be patient, come in focused and ready to play defense and make some shots,” saad ni Leonard. “As long as we win, I’m satisfied.”
Dumagdag si Serge Ibaka ng 20 points para sa best performance niya sa serye, nag-ambag si Pascal Siakam ng 19 points para sa Raptors na nagwagi sa kabila ng pagsisikap ni Klay Thompson, na nahihirapan din sa kanyang laro, maging si Kevon Looney.
Ang Game 5 ay babalik sa Toronto sa Lunes (Martes sa Manila). Halata na rin sa kanilang laro na mukhang ibinigay na ng Golden State sa Toronto ang panalo nang manalasa kontra Warriors sa 11 puntos sa unang quarter.
Dahil sa gutom sa panalo ang Raptors, dala ang reputasyon ng team na dapat ay may mangyaring tagumpay ay hindi na sila bumitaw.
Nanatiling matibay ang Toronto sa 2nd quarter hanggang sa 3rd canto at nalamangan pa ang Warriors sa 37-21. Bumasket si Thompson ng 28 points at pamunuan ang Golden State habang si Steph Curry ay may 27. Nakagawa si Draymond Green ng 10 points, 9 rebounds at 12 assists. Pero sumunggab si Leonard ng 12 rebounds sa laro.
Pero tanging isa lang sa 34 na tsansa sa NBA Finals History na may team na nakahabol pa sa 3-1 down at makuha ang titulo, iyan ay ang nagawa noong 2016 ni LeBron James sa Cleveland at talunin ang Warriors.
Nanatiling wala sa Warriors playoff ang scoring leader na si Kevin Durant, mahigit nang isang buwan na nagpapagaling ng kanyang ‘right calf injury,’ kaya hindi nila mapantayan ang bilis ng laro ng Raptors. (MC)





Comments