Ex Battalion, hapi pa raw na nagbitiw na siya bilang manager… “OKAY LANG. KUNG NATUWA SILA, DI MAS N
- BULGAR

- Jun 9, 2019
- 2 min read

KINUMPIRMA na ni Ai Ai delas Alas na magsasama silang tatlo nina Coco Martin at Jennylyn Mercado in a Metro Manila Film Festival movie this year at ngayon pa lang ay sobrang excited na ang Comedy Queen.
Ayon kay Ai Ai, si Coco mismo ang tumawag sa kanya para alukin ng movie na talaga namang ikinagulat daw niya. Mommy daw ang tawag sa kanya ng aktor at ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa isang proyekto.
Pero ang anak niyang si Sancho delas Alas ay nakasama na ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.
“Sabi niya, ‘Alam mo, My (short for Mommy), si Sancho, mahusay talaga na artista.’ Magka-work sila. Saka parati raw maaga sa set. Sabi ko ‘Kasi, nahihiya ako sa ‘yo. Sabi ko, kailangan, behave siya. Ikaw ang boss namin,’” kuwento ni Ai Ai nang makatsikahan namin sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Feelennial (Feeling Millennial) kasama si Bayani Agbayani, showing on June 19.
Wala pa raw title ang pelikula pero action-comedy ito at si Coco rin ang magdidirek.
Excited si Ai Ai na makakasama na siya ulit sa December filmfest dahil matagal-tagal na rin daw siyang walang entry.
Samantala, dedma naman si Comedy Queen sa balitang natuwa raw ang grupong Ex Battalion sa pagbibitiw niya bilang manager ng grupo.
“Okay lang. Kung natuwa sila, di mas natuwa ako,” natatawa niyang sabi.
Hindi siya na-hurt?
“Hindi ako na-hurt. Ako pa ba mahe-hurt?” natatawa pa rin niyang sagot.
Ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang mga bagay na ganito at hayaan na lang daw.
“Kasi ano ba e-expect-in mo, ‘di ba? ‘Yun na nga ‘yung ginawa nila sa akin, eh, alangan namang expect-in mo pa na may maganda? Siyempre, ‘di ba? Alam mo na ‘yun. Kung ano ‘yung ugali, ‘yun pa rin ‘yun. Hindi mo naman mababago ‘yun nang overnight, eh,” she said.
Matatandaang last month ay nagbitiw si Ai Ai bilang manager ng Ex Battalion dahil pasaway daw ang mga ito. Pagkatapos ng kanyang announcement ay kaagad nag-post ng pasasalamat ang lahat ng miyembro ng grupo at bagama’t walang tinukoy na detalye kung bakit sila nagpapasalamat, ipinalagay ng lahat na ito ay dahil sa pagri-resign ng kanilang manager.
Sa iba pang issue, ayaw namang pag-usapan ni Comedy Queen ang tungkol sa naging post niya a few days ago na niloloko siya ng mga tao sa kanyang paligid. Ang tsika nga ay naloko siya sa negosyo pero quiet na lang si Ai Ai at huwag na raw pag-usapan.
When asked kung naayos na ba, maikling sagot niya, “Oo, naayos naman.”





Comments