3 most wanted tiklo
SORSOGON CITY—Tatlong most wanted criminals ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bitan-o, West District sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Roldan Japon, Cyrel Pura at Jomar Lacata, pawang residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na dinakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong kidnapping, illegal detention at rape.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments