top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pinagastos nang daanlibo, K-Pop group, 'di naman naka-face-to-face… FANS, NABIKTIMA RAW NG SCAM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 8, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAG-TRENDING sa Pilipinas at sa buong mundo ang #SHOPEE­SCAM sa Twitter matapos bumi­sita ang sikat na Korean girl group na BlackPink sa bansa para sa kanilang fan meet na ginanap noong Huwebes (June 6).

Ayon sa mga Blinks (tawag sa mga fans ng K-Pop group), tila scam ang ginawa ng Shopee sa kanila matapos sabihin na qualified ang “Top 40 spenders” ng online shopping app para ma-meet nila in person ang kanilang idolo.

Ayon sa mga reports, ang ilang fans ng all-girl group ay gumastos nang libo. Ang ilan pa nga ay umabot pa sa P200,000 para ma-maintain lang nila ang spot sa “Top 40 spenders”.

Pero, pagdating daw sa event ay iba na ang nangyari dahil nagrambul-rambol na ang listahan ng mga fans na mami-meet ang BlackPink at ang ilan ay hindi pa na­kapasok sa event grounds.

Bukod pa riyan, nang­gagalaiti rin ang mga fans ng K-Pop group sa mga celebrities at stars na na­kasama sa fan meet kahit wala namang ginastos, base na rin sa mechanics na ibinigay noong simula ng online shopping app.

Ayon sa mga fans, naku­ha ng mga celebrities at in­fluencers ang halos kalahati ng spots ng mga Blinks na personal na mami-meet ang Korean girl group.

Kabilang dito sina Anne Curtis, Kim Chiu, Jasmine Curtis, Glaiza de Castro, ang magkapatid na Kramer, Andrea Brillantes, Sharlene San Pedro at Ella Cruz na nasa pinakaunahan.

Bukod pa rito, naba-bash din sina AC Bonifacio, Awra at Riva Quenery (dating miyembro ng GirlTrends ng It’s Showtime) dahil sa ginawa nilang pagtawa sa miyembro ng BlackPink na si Jennie kahit hindi na nga ito makahinga during the event.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page