top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nanay na natatakot iwanan ng mga anak

ROMA AMOR
Jun 8, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Floresca, may dalawa akong anak na babae na pareho nang nakapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon ay nagtatrabaho na sila sa magagandang kumpanya. Mula noong high school sila ay hindi sila nagpakilala ng BF sa akin at kahit nasa tamang edad na sila ay hindi pa rin. Sa totoo lang, natatakot talaga ako kapag nagkaroon na ng sari-sariling pamilya ang mga anak ko dahil pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako sa buhay, lalo na at pumanaw na rin ang kanilang tatay noong nakaraang taon. Ano ang dapat kong gawin para mawala ang takot ko? — Floresca

Floresca, Naku, normal lang sa ina ang matakot dahil sa pagmamahal mo sa iyong mga anak, pero tulad ng nangyari sa buhay mo, siyempre, ganundin ang mangyayari sa mga anak mo kung saan bubuo sila ng sariling pamilya. Ang maipapayo namin sa iyo para mawala ang takot mo, eh, huwag kang mag-isip ng negatibo nang sa gayun ay hindi ka malungkot sakaling mag-asawa na ang mga anak mo. Panigurado namang hindi ka nila pababayaan. Kaya mo ‘yan! God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page