Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAKATAGPO NG MATINONG LALAKI SA KABILA NG KANYANG MGA P
- BULGAR
- Jun 8, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
Sa edad kong 26, marami na akong naging boyfriend at karanasan. Nakapagtrabaho na rin ako dati sa club, kaya hindi ko alam ngayon kung makapag-aasawa pa ako ng matinong lalaki, lalo na kapag nalaman niya ang nakaraan ko. Marami na rin akong naka-live-in na mga lalaki, pero hindi rin nagtatagal ang mga relasyong napapasukan ko dahil ‘yung iba ay may asawa na.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, ito ang nais kong itanong sa inyo, Maestro, makapag-aasawa pa kaya ako ng matino at disenteng lalaki na mamahalin ako sa kabila ng aking nakaraan?
KASAGUTAN
Sabi nga ng isang makata na nakalimutan ko na ang pangalan: “tayo ay nasa tanghalan ng buhay na tinatawag na mundo, pagbaba ng tabing, hindi sa kung anong role o papel tayo huhusgahan kundi kung paano natin isinabuhay at ginampanan ang papel na sa atin ay ibinigay”.
Kaya kung ikaw ay babaeng dating mababa ang lipad, wala tayong magagawa dahil baka ‘yun nga ang ibinigay sa iyong papel ng tadhana sa mundong ito nang ikaw ay isinilang.
Samantala, huwag kang magulo dahil kahit marami ka ng naging karanasan sa iba’t ibang lalaki, makapag-aasawa ka pa rin at magiging maligaya. Ito ang nais sabihin ng ikaapat na malinaw at mas mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 4-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na sa ikaapat na pag-ibig at pakikipagrelasyon, puwede ring pakikipag-live-in, basta huwag mong kaawaan nang labis ang iyong sarili, tulad ng nasabi na, muli kang magkaka-boyfriend, makapag-aasawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na madali namang kinumpirma nang maayos at hindi gaanong nababoy sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong lagda.
Tanda na, bagama’t, nababoy at maraming bilog ang unahang bahagi ng iyong pirma, tiyak ang magaganap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, makatatagpo ka ng lalaking pakikisamahan, mamahalin at ituturing kang mabuti at okay sa alright na asawa, habambuhay.
DAPAT GAWIN Habang ayon sa iyong mga datos, Ms. Cancer, kalimutan mo na ang mga nagdaang relasyon na sumira sa iyong pagkatao dahil sa pagdating ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo, mabubuo kang muli, muling magmamahal, magkaka-boyfriend, makapag-aasawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2021, sa edad mong 28 pataas.
Comments