ARIANA MALIA VS. VALLEY CAT

AALAGWA ngayong hapon at gabi ang tatlong Condition Races, 3 Year Old Group Race, 3 Year Old & Above Maiden Race at Condition Race Merged sa Metro Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Napapalooban ng Winner Take All, Pick 6, 5 at pick 4 ang pitong karera na magaganap sa Metro Turf. Sa Race 1, kasabay ng 1st WTA na paglalabanan ng 11 kalahok ay pinapaboran ang Hello Junior at couple entry na High Ranks at Daldalero habang magsisilbing kalaban na mahigpit ang Kid Kenshin at Quincy.
Pinapaboran ang Tempus Fugit at Laughing Tiger sa Race 2 at makakalaban ang couple entry na KisskissBangbang at Suzie Cat kasabay ng panimulang Pick 6. Walang kasing patok ang Arianna Malia habang makakalaban ang Valley Cat at Morning Girl sa Race 3. Sa race 4, binibigyan ng panalo ang Fantastic Red habang ang Storm Shadow ang makakalaban ng mahigpit at ang Hold Me Tight Baby ang makakalaban.
Labanang umaatikabo ang magaganap sa Race 5 sa Condition Race (15), napipisil na magkakalaban ang Kapayapaan, Jade Master at Derham Park. Ipinapatok sa Race 6 ang Shanghai Grey na makakalaban ang Ravel na entry ni Benjamine Abalos Jr., at Kusing na papatnubayan ni MP La Loma.
Ipinapatok din ang couple entry na Garantisado at Certain To Win habang ang Kingship ang makakalaban.
Tip Ni Mang Ding: Race 1- Hello Junior (6) Quincy (9) Kid Kenshin (8) Race 2- Laughing Tiger (5) Tempus Fugit (4) Race 3- Arianna Malia (4) Valley Cat (1) Race 4- Fantastic Red (2) Hold Me Tight (4) Race 5- Kapayapaan (6) Jade Master (3) Derham Park (2) Race 6- Shanghai Noon (6) Ravel (2) Race 7- Entry No.6 Kingship (2).





Comments