Sising-sisi na raw sa mga pinaggagawa noon… VIN, IBINULGAR ANG KANYANG MADILIM NA NAKARAAN
- BULGAR

- Jun 7, 2019
- 1 min read

SA presscon ng iWant’s digital series na Past, Present, Perfect? ay ibinunyag ng isa sa mga bidang si Vin Abrenica ang kanyang dark past.
“Ako ‘yung black sheep, medyo bad boy talaga ako noong bata ako,” pag-amin niya.
He also revealed na dati siyang bully noong kabataan niya.
“I was also a bully, seryoso. Sobrang pinakamasama na pinakapinagsisisihan ko sa buong buhay ko,” he said.
Ngayon ay nagkikita-kita raw sila ng mga friends na na-bully niya at humingi na raw siya ng tawad. Ang iba ay okay naman daw at sinabihan siya ng “Okay lang ‘yun, mga bata pa tayo.” Pero may iba raw na namumula pa rin ang mga mata sa tuwing magso-sorry siya.
“So, ewan ko, ewan ko kung ano ang ginawa ko noong bata ako and I said sorry. That’s my bad past.”
Pero siyempre, he has learned his lesson na hindi talaga tama ang mang-bully at ngayon ay against na against na siya rito.





Comments