top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pre-demolition conference ng PCUP, kaagapay sa isyu ng ebiksiyon at demolisyon ng masa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7, 2019
  • 2 min read

KADIKIT na ng pangalan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang demolisyon at ebiksiyon dahil sa mga patawag nito na pagpupulong sa mga mahihirap nating kababayan na maaapektuhan nito. Marami ang may maling akala na ang tanggapang ito raw ang siyang nagpapa-demolish ng mga tahanan. Nagkakamali tayo roon.

Para sa inyong kaalaman, ang PCUP ay nagtatanggol sa karapatan ng mahihirap sa isyu ng demolisyon at ebiksiyon sa pamamagitan ng Pre-Demolition Conference (PDC). Dito ay sinisiguro natin na makatao at naaayon sa batas ang gagawing demolisyon.

Tanong: Sir Alvin, sabi ng kapitbahay namin, nakakuha raw siya ng sulat mula sa inyong opisina na ang sabi ay may meeting daw kami tungkol sa demolition conference. May bearing ba kapag hindi pumunta? Ide-demolish din naman kami. — Richie

Sagot

Magandang araw din! Huwag kayong manlumo kung kayo ay nakatanggap ng imbitasyon mula sa PCUP na nagpapatawag ng PDC.

Ang PDC ay pagpupulong kung saan ay sinisigurado ng ating ahensiya na ang karapatan ng mga underprivileged at homeless citizen sa demolisyon o ebiksiyon ay maprotektahan.

Tinitingnan dito kung makapagbibigay ng sapat na ayuda tulad ng temporary o permanent relocation o financial assistance na katumbas ng 60 days prevailing minimum wage ang lokal na pamahalaan, ang magpapaalis o proponent o iba pang ahensiya ng gobyerno sa mga maaapektuhang pamilya.

Kung minsan, ang PDC din ay nauuwi sa negosasyon kung saan pahihintulutan ng may-ari ng lupa na bilhin ng mga nakatira rito ang kanyang lupain sa abot-kayang halaga o sa presyong napagkasunduan.

Ang mismong apektadong pamilya ang rason kaya mayroong PDC kaya hinikayat ng ating ahensiya na dumalo tayo tuwing pinatatawag upang malaman natin ang posibleng makahinatnan natin bago ang demolition activity. Ang patawag ding ito ay para sa ating kapakanan at sa ating pamilya.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page