Ex na cager, bastos at pasaway… HIRIT NG FANS: VICE, SUWERTENG NAKAWALA NA KAY CALVIN ABUEVA
- BULGAR

- Jun 7, 2019
- 1 min read

MAY mga fans ni Vice Ganda ang nagsasabing mabuti na lang daw at hindi na nauugnay ngayon ang It’s Showtime host sa PBA cager na si Calvin Abueva dahil ang latest nga, ang Kuya Escort na ng noontime show na si Ion Perez ang bagong apple of the eye ng Unkabogable Star.
Kung nagkataon daw, tiyak na nakaladkad na naman ang name ni Vice kay Calvin na naging controversial lately dahil sa kinasangkutang iskandalo sa hardcourt matapos diumano nitong bastusin ang girlfriend ng kapwa cager na si Bobby Ray Parks, Jr..
Sabi pa ng mga fans ni Meme Vice, suwerte pa rin siya dahil hindi sa pasaway na cager siya bumagsak. Mukhang haping-hapi na ngayon ang gay comedian sa piling ng guwapong si Ion, kaya sorry na lang si Calvin.





Comments