Most wanted nasakote
- Pabs Hernandez III
- Jun 6, 2019
- 1 min read
AGUSAN DEL NORTE—Isang most wanted criminal ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Bangonay, Jabonga sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Junie Pinao, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Pinao sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder at attempted murder.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments