top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ipasusubasta ang mahigit P700-M na mga alahas ni Imelda Marcos, abangan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2019
  • 2 min read

INAMIN ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na kaya binawi ang mga bodyguard ng Tulfo Brothers ay dahil sa maaanghang na pagbatikos ni Erwin Tulfo kay DSWD Sec. Rolando Bautista, dating heneral sa AFP dahil hindi lang siya pinaunlakan ng panayam. Wala naman daw kinalaman sa pagbawi ng mga Marines na nakadestino kay Mon Tulfo dahil panahon na para suriin ang mga kondisyon para magdestino ng bodyguard. Inulan ng sari-saring batikos si Erwin Tulfo mula sa iba’t ibang sektor, una sa lahat mga aktibo at retiradong military na mataas ang respeto kay Bautista, pati na rin mula sa ilang opisyal ng administrasyon. Hindi rin ipinagtanggol si Tulfo ng organisasyon ng mga mamamahayag. Sinabihan pa na abusado at wala raw ito sa lugar. Sa totoo lang, wala tayong alam kung may dumepensa kay Tulfo. Humingi na ito ng tawad, pero marami ang naniniwalang hilaw daw ito dahil nangatwiran pa. Obligasyon daw niya bilang mamamahayag ang bumatikos sa mga opisyal ng gobyerno.

Matagal din tayong nasa radyo at bumatikos din tayo ng mga opisyal ng gobyerno, pero hindi natin ito minura, binantaang sasampalin at kung anu-ano pang maaanghang na pananalita na wala na sa lugar ang sinumang hindi tayo pinaunlakan ng panayam. Ayon kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, ang ugali ng binabantayang tao ay may kinalaman sa pagbigay ng bantay ng PNP. Kung tinitira na ang isang dating heneral na respetado ng marami, bakit babantayan pa?

Walong pulis daw ang nagbabantay sa mga Tulfo, malamang, lahat ‘yan ay pinasasahod galing sa buwis ng taumbayan. Totoo bang si Erwin Tulfo ang susunod na tagapagsalita ng Palasyo? Kaya ba sinasabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na “mag-move forward” dahil humingi na raw ito ng tawad?

◘◘◘

Matutuloy na ang pagsubasta ng mga alahas ni Ginang Imelda Marcos. Pormal na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagkakahalaga ng mahigit P700 milyon ang mga lahas. Paano kaya nabili ang lahat ng ‘yun? Iniutos ni Pangulong Duterte na ang anumang halaga na makukuha sa subasta ay gamitin sa pagtulong sa mahihirap. Sana nga at sana rin ay mabilis makuha ng mga nangangailangan. Baka matulad ‘yan sa Marawi na kung saan P10K pa lang ang naibigay sa isang biktima mula sa milyones na donasyon na natanggap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page