top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Anak ni Mega, proud na proud… HIRIT NG BASHER: KC, NAG-ARAL PA SA PARIS, MAGTITINDA LANG PALA NG ALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG paborito talaga ng mga bashers ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion kahit naka-hiatus muna ito sa kanyang showbiz career.

Bukod sa kanyang timbang at pang-uusisa sa kanyang love life, ang business naman nito ang tinitira ngayon ng mga bashers.

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram ang aktres tungkol sa kanyang jewelry business, ang Avec Moi na ini-launch niya last year.

Sa kanyang post, inalala ni KC ang mga hirap na pinagdaanan niya para itayo ang kanyang small business.

Ayon sa aktres, sa kabila ng hirap, masaya siya sa kanyang ginagawa.

Aniya, “I’m going crazy keeping up with @avecmoijewelry! Haha! Having a startup, or small business, is not easy at all but I love the challenge! I’m currently doing the work of 8 people.”

Pinutakti ng mga bashers at minaliit ang jewelry business ng aktres at idinamay pa ang Paris degree nito.

Sey ng mga bashers, “What happened with your degree tak­en in Paris???

“Sus… mag­bebenta ka lang pala ng mga ala­has, nag-Paris ka pa.

“At MBA pa ngayon? Pag­ka­ta­pos ng MBA, baka magbenta ka na rin ng mga preloved.”

Hindi naman nakapagpigil ang anak ni Mega­star at sumagot sa basher.

Aniya, “@vawn_dawn If you do not see what I have been doing with my degree then maybe you would benefit from getting an education. All the best, dear!”

Sinuportahan ng mga netizens ang aktres at ipinagtanggol sa basher.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

Grabe kung mangmaliit ng pagkatao ang mga bashers.”

“Hahaha! ‘Yung basher concerned na concerned sa mga aktibidades ni KC. Ultimo hanggang sa degree.”

“Mygahd. Netizens are getting crazier, self-entitled, and more ignorant these days. Please, mind your own life. Hindi puro showbiz. KKB (kani-kanyang buhay) lang.”

“Ang bastos ng basher. Kung ako si KC, papatulan ko rin ‘yan at mas higit pa. ‘Kaloka! Kaka-high blood.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page