2 sekyung nagpaputok ng boga, tiklo
- Pabs Hernandez III
- Jun 6, 2019
- 1 min read
PALAWAN—Dalawang security guard ang dinakip ng pulisya dahil sa pagpapaputok ng baril, kamakalawa sa beach resort sa Bgy. Bucana, El Nido sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Rico Barrun at Angel Regala, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nag-report sa pulisya tungkol sa pagpapaputok ng baril ng dalawang suspek at dahil dito rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang dalawang security guard.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng dalawang suspek sa pagpapaputok ng baril sa naturang lugar.





Comments