Naglalakad nang nakapaa
- BULGAR

- Jun 5, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Chris ng Chris_Ferolino@face-book.com
Dear Professor,
Palagi akong nananaginip na naglalakad daw ako nang walang tsinelas, in short, nakapaa lang ako.
Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Chris
Sa iyo Chris,
Gawin mo, iho, ang napanaginipan mo dahil ang iyong panaginip ay uri ng panaginip na nag-uutos.
May panaginip na nagpapayo na ang ibig sabihin, nagbibigay ng mga opsiyon na puwede mong ikonsidera at ito ay nagsasabing, minsan, ang ating panaginip ay umaakto bilang matalik nating kaibigan kaya ito ay nagpapayo.
Minsan, ang panaginip ay nagbababala na sa ganitong sitwasyon ay ipinakikita sa atin ang puwede nating maranasan na hindi ikagaganda ng ating buhay.
Sa pagkakataong ito para sa iyo, Chris, ang panaginip mo ay nag-uutos na dapat mong sundin.
Kapag ginawa mo ito, nagawa mo ang lihim na susi kung paano ka susuwertehin na nagsasabing, minsan, ang tao ay dapat na walang sapin sa paa.
Ito ay upang ang mystical powers of the earth ay pumasok sa iyong katawan kung saan gagaling ka sa iyong mga karamdaman o bubuti ang kalagayan ng iyong katawan.
Ito rin ay nagsasabing, si Chris ay matatagpuan ng langit na nagpapakababa, walang anumang yabang, hindi mapagmalaki at nabubuhay sa kababaang-loob.
May banal na pangako ang langit para sa taong may mababang kalooban at ito ay nagsasabing, siya mismo ay pagpapalain, gayundin, ang kanyang mga mahal sa buhay at ang kanyang kabuhayan ay matutulad sa mga buhangin sa dagat na hindi mabilang-bilang.
Muli, Chris, sundin mo ang iyong panaginip dahil ang panaginip mo ay nag-uutos.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments