Mga supporters, bitbit sa state visit sa Japan… GINAWA NI P-DIGONG SA MGA ARTISTA, NAGAWA NA RIN NI


TAMA naman ang reaction ng mga artistang nakasama sa Japan trip recently ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad nina Robin Padilla, Phillip Salvador, Bayani Agbayani, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Martin Escudero at Michael Pangilinan. Voluntary ang kanilang pagsama dahil gusto rin nilang bigyan ng saya at aliwin ang mga kababayan nating OFWs sa Japan.
Hindi rin daw totoong kumita nang malaki ang mga nasabing artists na kasama sa entourage ni Pangulong Duterte. Si Binoe nga, nagrenta raw ng mga hotel rooms para sa mga artista/performers.
Well, wala kaming nakikitang masama kung isinama man ng ating pangulo sa kanyang Japan trip ang ilang artista tulad nina Phillip Salvador, Robin Padilla, Bayani Agbayani, Rodjun Cruz, Dianne Medina, atbp..
Sila rin kasi ang tumulong noong kumandidatong presidente si Rodrigo Duterte.
Maging noong panahon ng panunungkulan ni Noynoy Aquino ay mga beshies ni Kris Aquino ang laging kasama kapag may state visit ang dating pangulo. Bakit ngayon ay pinapansin at pinag-iinitan ang mga artistang maka-Duterte?





Comments