HINDI SABLAY ANG SUPORTA NG GOBYERNO KAY HIDILYN

NAGHALO ang reaksiyon ng marami sa pag-post sa social media ni Rio Olympics Silver Medalist Hidilyn Diaz dahil sa paghingi niya ng suporta para sa 2020 Tokyo Olympic Gold bid.
“The government has been very supportive,” pagklaro ni Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez bilang tugon sa mga tanong hinggil sa kakulangan ng gobyerno ng pagsuporta kay Diaz. Ipinaliwanag ni Ramirez na nakatatanggap si Diaz ng isa sa pinakamalaking allowances sa national pool na ang requirements ay bihirang tanggihan ng Board dahil na rin sa kanyang Olympic journey.
Sa taon na ito aniya, nakapagbigay ang PSC ng halos P4.5 Million para mapondohan ang kanyang foreign trainings sa Hainan at Guangxi sa China, kung saan ang ahensiya ay nagbabayad din sa kanyang foreign coach na si Kaiwen Gao ng monthly salary at food allowance. Ang kanyang NSA request para mapondohan ang kanyang kompetisyon ay aprubado rin. Isang bagong weightlifting gym ang itinatayo sa RMSC matapos na tugunan ang kanyang request na ayusin ang lumang gym na kanilang ginagamit.
“Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Airforce being an enlisted personnel,” paliwanag pa ni Ramirez at kinlaro ang pagsuporta ng gobyerno kay Diaz.
Sa nalalaman umano ni Chairman, nakatatanggap din diumano si Diaz ng suporta mula sa pribadong kumpanya tulad ng MVP Foundation at Alcantara and Sons.
Matatandaan din umano na matapos ang kanyang Olympic windfall, nakatanggap siya ng P3 million na kabuuan mula sa government incentives act, RA 10699, para sa kanyang silver at gold finish noong 2017 Asian Indoor at Martial Arts Games at sa 2018 Asian Games.
“I do not think government was remiss of its support to Hidilyn. Despite what it seems, we at the PSC choose to see her for what she is, a champion. We will support on her dream to achieve more,” pagtiyak ni Ramirez, at idinagdag na “it would be good for Hidilyn to visit us so we could talk and clarify matters.”





Comments