Hindi raw sigurado sa future… SHAINA, IKINANTA NA KAPILING PA RIN NIYA SI PIOLO NGAYON
- BULGAR

- Jun 5, 2019
- 2 min read

KARARATING lang ni Shaina Magdayao mula sa Cannes International Film Festival sa France with Piolo Pascual kung saan ay naging part ng Directors’ Fortnight ang pelikula nila na The Halt (Ang Hupa) na idinirehe ni Lav Diaz.
Kahapon ay dumalo na siya sa presscon ng iWant’s digital series niyang Past, Present, Perfect? at sey nga niya ay may jetlag pa siya dahil noong isang gabi lang siya dumating.
Sobrang proud and honored ni Shaina na dumalo for the first time sa Cannes at rumampa sa red carpet.
“It’s an honor to represent our country. Ang daming Hollywood stars doon. And hindi rin naman namin naisip na makakarating kami together (ni Piolo) sa Cannes,” sabi ni Shaina.
When asked kung sinu-sino ang nakita niyang Hollywood stars, aniya ay sina Robert Pattinson, Willem Dafoe, Julianne Moore at marami pang iba. Ang ikinalulungkot daw niya ay hindi niya nakita sina Brad Pitt at Leonardo di Caprio.
“Sobrang daming tao. People from all over, lahat ng gustong magpa-discover, lahat ng producers, lahat ng writers, lahat ng artista, gustong mag-artista, model, nandu’n lahat. And overwhelming ‘yung buong place. It’s very much alive.
“Pero we were also busy kasi with the interviews para ru’n sa film namin dahil nagpunta po kami ru’n to represent our film. Unfortunately, hindi ko na-meet si Brad Pitt at si Leonardo di Caprio. So, sa panaginip ko na lang po sila imi-meet,” natatawang sabi ni Shaina.
Dahil nga Past, Present, Perfect? ang title ng kanyang serye, nai-connect si Piolo na naging part ng past niya pero kasama pa rin sa kanyang present.
Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Papa P (tawag kay Piolo)?
“Nasa present, nasa past,” natatawa niyang sabi.
Inilagay daw si Piolo ni Lord sa kanyang past at nandiyan pa rin hanggang ngayon sa present.
Diretsong tinanong si Shaina kung nagkaroon ba sila ng “something” ni Piolo at diretso rin niyang sinagot na hindi raw.
“Hindi. Nandiyan lang siya. Hayaan lang natin. Kapag dumating naman ‘yung future, gaya ng sabi ko, sasabihin ko naman at aaminin ko naman sa inyong lahat.”
What about the future? Nandiyan pa rin kaya si Piolo?
“Hindi ko alam ‘yung future, pero nagpapasalamat ako na kasama siya sa past ko, at nandito pa rin siya sa present ko,” she said.
Ito raw talaga ang totoo at hindi showbiz na sagot.
Samantala, ginagampanan ng aktres ang papel ni Shantal sa Past, Present, Perfect?. Isa siyang manunulat na na-in love sa kanyang professor na ginagampanan naman ni Vin Abrenica.
Kasama rin sa 7-part series si Loisa Andalio bilang young Shantal. Also in the cast are Awra Briguela, Amy Nobleza, Angelie Sanoy, Elijah Canlas, VJ Mendoza, Romnick Sarmenta, Allan Paule at marami pang iba.
The series is now streaming for free on iWant.





Comments