Nanunog ng bahay tiklo
CAMARINES SUR—Isang lalaki na nanunog ng kanilang bahay ang inaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Dugcal, Camaligan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jerwin Mandia, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na inireklamo ng kanyang mga kamag-anak si Mandia dahil sa ginawa nitong panununog sa kanilang bahay.
Nakapiit na si Mandia at sinampahan na siya ng kasong arson, samantalang, inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa panununog sa kanilang bahay.





Comments