May tsansa raw na matalisod ninyo sila... KATOTOHANAN KUNG PAANO MATATAGPUAN NG MGA ASO ANG KANILANG
- BULGAR

- Jun 4, 2019
- 2 min read


SINASABING, sa 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, ang Aso ang isa sa pinaka-sympathetic at pinakamatalino.
Ngunit, sa kabila ng katalinuhan at pagiging mapagmahal, may dalawang tinitingnang batayan lamang ang Aso sa anumang kanyang ginagawa o desisyon sa buhay kung saan para sa kanya, “itim at puti” lang ang lahat ng kulay sa mundo na nangangahulugang para sa mga Aso, dalawang nilalang lang ang nabubuhay sa mundo — mabuti at masama.
Kaya kapag minamahal mo ang Aso o kaya ay naging matalik mo siyang kaibigan, tiyak na mamahalin ka niya nang todo dahil para sa kanya, kabilang ka sa mga taong “mabubuti at may malinis na kalooban”.
Ito rin ang dahilan kung bakit kapag nagalit ang Aso, sobrang galit talaga siya sa iyo, lalo na at ituturing ka niyang “masamang uri ng tao.”
Sinasabi ring, ang Aso ay hindi talaga mahilig gumala o mamasyal kung saan-saan, sa halip, kung siya lang ang masusunod, mas gusto pa ng Aso na nasa bahay lamang, namamahinga, kapiling ang kanyang amo at mga mahal sa buhay.
Sinasabi ring, ang Aso ay makikita mong abalang-abala sa kanyang buhay. Maraming mga kakaibang gawain ang bubuksan sa kanya ng kapalaran at marami ring mga importanteng lakad at okasyon ang nakatakda niyang daluhan ngayong 2019, kaya para sa mga Aso, ngayong taong 2019 ay sadyang maganda na magdudulot sa Aso ng wagas at maliligayang karanasan.
Kapag nasa bahay naman, tiyak na ngayong Taon ng mga Baboy, maipatutupad na ng Aso ang malaon na niyang pangarap na gawin sa kanyang munti, pero magandang bahay, ito ay kung babaguhin o lalo pang pagagandahin ang interior design ng kuwarto o bakuran ng kanilang bahay.
Puwede ring kabilang sa mga listahan na dapat gawin ng Aso ngayong taon ay ang pag-aayos ng bagong biling muwebles at pagre-redesign ng sala at ng buong kabahayan.
Maaari ring ngayong taon ay magkaroon ng garden o kaya ay makapagluto ng masarap na recipe ang Aso na matagal na rin niyang binabalak na ipatikim sa mga mahal niya sa buhay.
Tunay ngang ang Taon ng mga Baboy ang magdadala sa Aso sa mga gawaing magdudulot ng internal happiness sa kumakawag-kawag niyang buntot.
Ngayong taon, inaasahan ding maraming mga pagkakakitaang matutuklasan ang Aso kahit na siya ay nasa bahay lang habang kung siya ay lalabas ng kanyang tahanan, sinasabing, malaki ang posibilidad na matalisod ng Aso na wala pang boyfriend o girlfriend ang kanyang magiging future husband o wife.
(Itutuloy)




Comments