Kahit mga senior citizens na… NOVA-FREDDIE LOVE TEAM, PANGHATAK SA SERYE NI JENNYLYN
- BULGAR
- Jun 3, 2019
- 1 min read

MARAMING naaaliw at kinikilig sa mga eksena nina Nova Villa at Freddie Webb sa rom-com na Love You Two. Ang lakas ng chemistry ng kanilang tandem kahit mga senior citizens na.
May following na ang Nova-Freddie love team kaya gustung-gusto sila ng mga viewers. Kaya bukod kina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado at Shaira Diaz, plus factor din sa pagganda ng Love You Two ang pag-entra ng veteran comedienne na si Nova Villa.
At maging ang pagpasok ngayon ni Solenn Heussaff bilang ex-GF ni Jake (Gabby) na nagke-claim na may anak sila ay nakadagdag ng twist sa rom-com series.
Papaano na sina Raffy (Jennylyn) at Sam (Shaira)?
תגובות