HOROSCOPE | Hunyo 3, 2019 (Lunes)
- BULGAR

- Jun 3, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 3, 2019 (Lunes): Masuwerte ka, pero alam mo ba kung bakit may tatawag sa iyo ng tamad? Dahil ayaw mong itodo ang iyong pagsisikap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung puwede, huwag mong pairalin ang iyong isip. Ang mas maganda ay ang sunggaban mo ang anumang bagay na may mapakikinabangan ka. Minsan, hinahadlangan ng isip ang pag-asenso ng tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-35-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang maganda sa buhay mo, ‘yun ang gawin mo, pero ikaw mismo ang magpapasya kung ano ang maganda para sa iyo at hindi ang ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-25-30-33-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagbabalita ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na ikaw ay sobrang sasaya, pero nagbabala rin ito na maaaring makalimutan mo na pinahahalagahan ang mga biyaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-22-25-31-39.
CANCER (June 21- July 22) - Pasasayahin ka ng langit dahil nakita Niyang malungkot ka. Wala kang magagawa ngayon kundi ang magsaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-14-18-20-25-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dagdagan mo ang kulang, bawasan mo ang sobra. Ito ngayon ang gawin mong panuntunan sa buhay mo. Hanapin mo ang sobra at kulang sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-29-30-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilisan mo ang kilos mo at para magawa mo ito, ang pag-aalinlangan ay iyong itakwil. Manghihinayang ka kapag hindi mo nasunod ang payo ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-21-25-33-40-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simpleng-simple lang ang susi para magbalikan ang mga suwerte mo, ito ay nagsasabing, pasayahin mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-31-35-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makinig sa payo na ang tao ay dapat makuntento dahil kung susundin mo ito, paano ang kinabukasan ng malalapit sa buhay mo? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-16-28-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasanay ka ng may alalay at inuutusan. Pero, ramdam mo na hindi ka masaya kaya ang payo ay nagsasabing, paminsan-minsan kumilos ka rin nang mag-isa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-14-30-32-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpaalipin sa nagbibigay sa iyo ng lungkot. Huwag na huwag mong kalilimutan na ang kaligayahan ay nagmumula sa pagiging malaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-20-25-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit napakadali mong maniwala sa mga mabubulaklak na salita? Dapat mong malaman na hindi lahat ng bulaklak ay nagiging maganda ang bunga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-22-28-35-41-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabahala kahit malalaki ang iyong mga suliranin. Kikilos ang langit para gumanda ang buhay mo. Ito ay kahit na wala kang anumang gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-31-33-38-40.




Comments