Bebot tepok sa aksidente
CAPIZ—Isang babae ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Sta. Fe, Pilar sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Cherry Morines, residente ng Bgy. Casanayan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakaangkas si Morines sa motorsiklong minamaneho ni Emilio Villanueva nang mabangga ito ng isa pang motorsiklong minamaneho naman ni Richie Morales, nakatira sa naturang bayan.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog sa motorsiklo si Morines at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada na siyang ikinamatay nito, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Morales.





Comments