top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

VALENZUELA TEAM SA MPBL, 5X ANG BONUS, ‘PAG NAG-CHAMP

G. VILLOTA/MC
Jun 2, 2019
1 min read

TINIYAK ng team owner ng Valenzuela na higit pa sa dobleng benepisyo ang matatanggap ng kanilang players, rookie man o dati nang players sa sandaling makakopo ang mga ito ng kampeonato sa nalalapit na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup.

Bilang motibasyon na rin at inspirasyon ng players na mapagbuti pa ang paglalaro sa liga, “Higit pa sa inaasahan ng mga manlalaro na bonus at incentive ang pakakawalan naming pabuya na cash dahil limang beses na mas malaki pa iyon,” pangako ng tinatawag nilang Uncle Sam ng team na si team owner Samson Lato sa media launch kamakailan ng koponang Valenzuela na may monicker na SVPTopMarketplace sa West Avenue Suites, Q.C.

May halos 17 mga manlalaro ang ipinakilala ng team ni coach Gerry Esplana na nagsabing, “our chance is based on how the new players deliver their games, let’s see kung ano ang magagawa ng rookies namin at ng very supportive naming bigmen.”

Sinabi naman ni Team Captain Paolo Hubalde, “we doubled our preparation and sisikapin pa naming pagbutihin ang aming mga laro upang masiyahan pa po nang husto ang aming mga tagahanga at tagasuporta.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page