Shoutout sa mga mahiyain nating beshy diyan… 5 THINGS NA DAPAT SABIHIN KAPAG MAGPAPAKILALA SA KLASE

SINO ba ang hindi kakabahan kapag ‘introducing yourself’ moment na? Jusko, Malas mo pa kapag ikaw ang nauna, tapos uutal-utal ka kasi hindi ka ready, ‘yun lang! Pero, dahil alam nating isa ito sa kinatatakutan ng mga estudyante, narito ang ilang bagay na puwede ninyong i-share sa klase tungkol sa inyong sarili:

1. NAME, AGE ETC. Siyempre, dapat mong sabihin ang pangalan, edad at kung saan ka nakatira, kahit hindi exact address, besh, oks na! Dagdag pa rito, puwede mo ring i-inform ang mga kaklase mo kung anong pangalan ang dapat nilang itawag sa iyo, lalo na kung marami kang kapareho sa mga kaklase mo.
2. FAMILY BACKGROUND. Alam natin medyo personal na, pero dapat alam din ng iba kung ilan kayong magkakapatid, ano ang trabaho ng mga magulang mo nang sa gayun kapag napansin nilang may pinagdaraanan ka, eh, matutulungan ka nila kahit moral support lang.
3. STRENGTH AND WEAKNESSES. Sa klase, hindi puwedeng wala kang kahinaan o kalakasan, siyempre, lahat tayo ay may kani-kanyang kakayahan na dapat nating i-share sa mga taong makakasama natin sa halos araw-araw ng buhay natin.
4. HOBBIES. Yes, common na ito, besh, pero importante dahil ang hobbies ay ang mga bagay kung saan mas nakatatagpo tayo ng mga kaibigan at nakatutulong ito para maka-bonding natin sila, ‘di ba?
5. DREAMS. Lahat tayo ay nangangarap, malaki o maliit man ito, dapat mayroon tayo nito, lalo na sa mga nasa kolehiyo na dahil nandiyan na kayo sa stepping stone ninyo patungo sa landas na inyong pinili. Naks!
Oh, ayan, bawal ang kabahan at ma-mental block, kaya ngayon pa lang ay mag-ready na kayo kahit medyo mukhang bida-bida. Joke!
Copy?





Comments