Bigtime pusher, arestado
Pabs Hernandez III
Jun 1, 2019
1 min read
BACOLOD CITY — Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation pulisya kamakalawa sa Bgy. 8.
Kinilala ang suspek na si Joey Yap, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng walong gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Yap na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.





Comments