Ama patay, anak sugatan sa pamamaril
- Pabs Hernandez III
- Jun 1, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO — Isang lalaki ang namatay at sugatan naman ang anak nito nang barilin sila ng hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Takepan, Pikit.
Kinilala ang nasawi na si Fortunato Nadela, Jr., samantalang, hindi na pinangalanan ang anak nitong tinamaan ng bala sa isinagawang pamamaril ng suspek.
Nabatid na nasa labas ng kanilang bahay ang mag-ama nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang mag-amang biktima sa ospital pero, idineklarang dead-on-arrival si Nadela.





Comments