After kumalat na hiwalay na… JOSHUA AT JULIA, TAGILID ANG CAREER
- BULGAR

- Jun 1, 2019
- 1 min read

WALA pang pag-amin pareho sa kampo nina Joshua Garcia at Julia Barretto tungkol sa nababalitang breakup nila. Pero, labis na nag-aalala ang mga JoshLia fans and supporters dahil tiyak na makakaapekto ito sa career at love team ng kanilang mga idolo.
Hindi pa sila handang tanggapin na mabubuwag na ang JoshLia love team dahil bitin pa nga sila sa mga pelikula na pinagsamahan ng dalawa. At wala pa sa tamang panahon upang paghiwalayin agad-agad ang tambalang JoshLia.
Hindi pa ganu’n katatag ang kani-kanilang career. Bubot na bubot pa ang kanilang love team kumpara sa KathNiel at JaDine.
Sina Kathryn at Daniel nga ay 7 years na naging magkarelasyon at ilang pelikula na ang pinagtambalan, ganu’n din ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.
Kung totoong break na sina Julia at Joshua, tiyak na ayaw na nilang maging love team sa pelikula.
Balitang kay Barbie Imperial balak itambal si Joshua sa pelikula.





Comments