HOROSCOPE | Mayo 31, 2019 (Biyernes)
- BULGAR

- May 31, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 31, 2019 (Biyernes): Malakas ang iyong pandama. Mabilis mong nakukuha ang tunay na motibo ng nakahaharap mo. Kaya walang dahilan para maisahan ka ninuman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kontrolin mo ang iyong emosyon. Kapag hindi nakontrol ng tao ang kanyang damdamin, madalas na nakagagawa siya ng mga bagay na sa huli ay pagsisisihan niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling magpapakita ng lakas ang iyong likas na gayuma. Ang totoo nga, bawal kang tumingin nang matagal sa salamin sa dingding dahil sobrang hahanga ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-29-31-32-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag ka ng makisangkot pa sa magulong sitwasyon. Ang maganda para sa iyo sa araw na ito ay ang magsaya kaysa makisali ka sa mga problema ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-21-25-35.
CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon din ang araw para hilingin mo sa langit ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-20-25-34-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo magagawa ang gusto mong gawin dahil awa ang tatalo sa iyo. Kaya huwag mo ng ipilit ang mga balak mong ikalulungkot ng tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-14-27-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aatakihin ka ng hindi mo maunawaang lungkot na kahit magsaya ka ay nandu’n pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-21-24-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong magagandang katangian. Lahat ng gusto mo ay mapasasaiyo. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran kaya walang dahilan kung bakit hindi ka magkakaroon ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-20-34-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Ito ay prebilehiyo para magkaroon ng pagbabago sa buhay mo. Huwag mo itong sayangin. Muli, hawak mo ang iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-26-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka sa mahihina. Hindi kahinaan sa panig mo ang paminsan-minsang pagpapakumbaba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-18-26-29-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pansinin mo sa araw na ito ang magagandang bagay na nangyari sa buhay mo. Mali, kapag ang pinagtuunan mo ng pansin ay ang mga kabiguan na naranasan mo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-27-30-32-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Bakit hindi mo matakasan ang nagbibigay sa iyo ng kalungkutan? Ang isa pang payo para sa iyo ay ang mahalin mo higit kaninuman ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-22-25-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabahala. Alisin mo ang iyong takot. Kumikilos ang langit para gumanda ang iyong buhay. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-20-30-35.



Comments