Alamin mula kay Señor... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGPAPAKASAL NG HUNYO

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Lorena ng Lorena_Cutebaby @facebook.com
Dear Professor,
Nandito ako ngayon sa Dubai. Isa akong OFW. Uuwi ako this June dahil magpapakasal na kami ng boyfriend ko. Almost 5 years na kami, kaya itatanong ko kung totoo bang suwerte ang magpakasal ng June?
Naghihintay,
Lorena
Sa iyo Lorena,
Alam mo, iha, ang paniniwalang, ang buwan ng Hunyo ay masuwerteng month for marriage ay nag-ugat sa alamat ng mga Romano dahil ito ay ipinangalan kay Juno. Si Juno, iha, ay kinikilalang “the Goddess of Marriage”.
Alam mo, si Juno ay babae at ang kanyang asawa ay si Jupiter. Si Jupiter naman ay iniuugnay sa kasaganahan o masaganang buhay. Kaya kapag babae ang magpapakasal, ito ay masasabing para na ring nagpakasal sa kasaganahan o masaganang buhay.
Si Jupiter din ay iniuugnay sa salitang happiness o kaligayahan. Kaya ang magpapakasal sa month of June ay sinasabing liligaya ang buhay. Bilang karagdagang impormasyon, ang mga letrang “hap” ay mula sa mga letrang “jop.” Ang “jop” ay nag-ugat sa mismong salitang “Jupiter.”
Tulad ng nasabi na, si Juno na babae ay nag-asawa at ang kanyang naging asawa ay si Jupiter. May basehan ba ang alamat na ito ng mga Romano? Totoo kaya ang nangyaring kuwento sa nasabing marriage?
Isang batas sa Astrolohiya ang nagsasabing “opposite attracks”. Makikitang hindi lang ang mga tao ang napasasailalim sa batas ng Astrolohiya dahil maging ang gods at goddess ay sumusunod sa batas na ito. Kaya ang mga taong nag-aakala na sila ang gagawa ng kanilang kapalaran na hindi sumusunod sa mga panuntunan ng Astrolohiya ay makikitang mga nagsisisi sa huli.
Muli nating tutukan si Juno na Gemini ang zodiac sign. Si Jupiter naman ay ang ruling planet ng zodiac sign na Sagittarius, kaya ang opposite ng June ay Sagittarius.
“Opposite attracks”, ito ang batas ng Astrolohiya na naghari kina Juno at Jupiter.
Ikaw, sino ang ka-opposite mo?
(Itutuloy)




Comments