top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Alamin mula kay Maestro... MGA PROPESYONG NABABAGAY SA MGA ASO

Writer: BULGAR
BULGAR
May 31, 2019
2 min read

SA career at hanapbuhay, sinasabing bagay na bagay sa Aso ang propesyong lawyer, labor leader, union or­ganizers, social worker at iba pang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan na sadyang ikatatagumpay at ika­liligaya ng Aso habang ang mga gawaing ito ay kan­yang inaaturga. Dahil sa likas na pagiging mabuti at palaging inuuna ang moralidad, ang mga Aso ay sinasabing, pangunahing kandidato rin sa pagiging bayani, martir at santo.

Sa pakikipagrelasyon at pakikisalamuha sa pamilya, si­nasabing, gustung-gusto ng Aso ang pagiging independent o malaya, kaya kadalasan ay hindi mo siya matatagpuan sa bahay, sa halip, ang ikinaliligaya niyang tunay ay ang maka­pag­­lakbay kung saan-saang lugar na malapit sa nature.

Sinasabing, kapag umiibig ang Aso ay sobra kung mag­mahal na minsan ay nagiging dahilan upang siya ay mabulag sa pag-ibig o kaya ay magpakamartir o magpa­kabayani alang-alang sa kanyang minamahal.

Dagdag pa rito, bagama’t, sobra kung magmahal hindi naman siya masyadong demonstrative, kumbaga, hindi siya showy, kaya ‘yung pag-ibig niya kung minsan ay hindi ga­anong napahahalagahan ng kanyang minamahal dahil hindi niya ito gaanong ipinakikita o ipinadarama.

Kaya kung magiging “showy” ang Aso sa kanyang na­darama, lalo na sa kanyang minamahal, walang duda, sa pakikipagrelasyon, mas madali niyang makakamit ang pang­habambuhay na sarap at ligaya.

Sa pag-ibig, hindi siya mandaraya kung saan kung gaano nagiging tapat at totoo ang kanyang kasuyo higit pa sa pa­giging tapat at totoo ang igaganti niyang pagmamahal. Pero, ang problema, baka hindi niya ito masyadong ipakita o ipa­dama sa kanyang kasuyo, kaya posibleng masayang lang din ang pagiging sobrang tapat at mapagmahal niya.

Kaya kung ikaw ay Aso, ang dapat mong umpisahan ngayon ay ang ipakita at ipadama ang pag-ibig at pagma­mahal mo sa iyong kasuyo upang kapwa kayo masarapan at habambuhay na lumigaya. Bagay na bagay sa Aso ang Tigre at Kabayo kung saan ang ganitong relasyon ay tiyak na magiging maligaya at panghabambuhay na dahil pare-pareho silang tapat at ma­sarap magmahal.

Bukod sa Tigre at Kabayo, tugma rin sa Aso ang Daga, Ahas, Unggoy, Baboy at ang kapwa niya Aso kung saan ang ganitong relasyon ay babalutin ng walang kahulilip na lam­bingan at sila rin ang itatala bilang masaya at pangha­bam­buhay na magkakasama.

Habang, ang madalas matagpuang habambuhay na nag­mamahalan ay ang Aso at Kuneho kung saan lihim na pa lang hinahangaan ng Kuneho ang Aso na noon pa niya pa­nga­rap na makasama habang ang Aso naman ay hangang-hanga rin sa pagiging tahimik at may malalim na pagkatao, pero matalino at palaging nangangarap na Kuneho.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page