top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mangingisda tinodas sa bangka

Pabs Hernandez III
May 30, 2019
1 min read

MAGUINDANAO—Isang mangingisda ang sinaksak at napatay ng kapwa niya mangingisda, kamakalawa sa kinalululanan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bongo Island, Parang sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Jeorey Pagnete, samantalang, ang suspek ay si Bonifacio Rabe, kapwa residente ng Zamboanga del Sur.

Nabatid na ang bangkay ni Pagnete ay natagpuan ng mga awtoridad sa bangka, samantalang, naaresto si Rabe habang lumalangoy sa dagat palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page