Bukod sa pagiging magaling sa academics... MGA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MGA BAGETS NA MAGING PHYSI

ANONG sports ng anak ninyo, mga momshie? May physical activity ba silang pinagkakaabalahan? Ayon sa research, isa lang sa tatlong bata ang physically active. Lumabas din na wala pa sa 50% ng kanilang oras ang napupunta sa pagpa-practice ng sports. Nakalulungkot dahil sa panahon ngayon, kung hindi sa computer ay sa cellphone, tablet at iba pang gadget na lang nakatutok ang atensiyon ng mga bata.
Narito ang ilang paraan para mahikayat natin ang mga bata na maging active o matuto ng sports:
1. PLAN AHEAD. Ngayon pa lang habang hindi pa tuluyang nagbubukas ang panibagong school year, makabubuti kung magpaplano na tayo ng sports na puwedeng subukan ng inyong anak. Make sure lang na convenient ito sa kanya, lalo na at magsisimula pa lang siya.
2. MAKE TIME FOR EXERCISE. Habang wala o hindi pa tambak ang schedule ng inyong mga anak, makabubuti kung sasanayin na natin sila sa pag-eehersisyo nang sa gayun ay madaling makapag-a-adjust ang kanilang katawan at isip kapag nag-umpisa na silang mag-practice ng napili nilang sports.
3. LET THEM PICK. Oks kung bibigyan natin sila ng option o anumang ideya tungkol sa sports, pero hayaan nating sila ang mamili. Kinakailangang gusto nila ang gagawin nila upang magawa nila ito nang tama at higit sa lahat ay tunay silang makapag-e-enjoy.
4. PROVIDE ACTIVE TOYS. Imbes na mobile games ang ituro o ipalaro natin sa mga bata, makabubuti kung bibigyan o bibilhan natin sila ng mga object toy tulad ng bola, jumping ropes, pambatang baseball bat at iba pa nang sa gayun ay magkaroon sila ng ideya sa mga bagay na ito. Sa pagkakataong ito, maaari na nating i-introduce sa kanila ang sports na may kaugnayan sa mga gamit nito.
5. TURN OFF THE TV. Ang TV o computer ay distraction sa mga bata, lalo na kapag cartoons na ang ipinalalabas. Kaya, makabubuti kung lilimitahan o bibigyan natin sila ng schedule sa panonood upang magkaroon sila ng panahon sa mga gawaing pampalakas ng katawan.
6. BE A ROLE MODEL. Bilang nakatatanda, mabuti kung ipakikita rin natin sa mga bata ang ating pagiging aktibong indibidwal. Puwede natin silang isama sa mga fun run, makipaglaro tayo sa kanila ng basketball, badminton o kahit ‘yung simpleng pagsayaw ay malaki ang epekto sa kagustuhan nilang sumubok ng physical activity, lalo na kapag nasa school na sila.
7. PRAISE EFFORTS, NOT RESULTS. Dapat marunong tayong i-appreciate ang mga ginagawa nila. Halimbawa, kapag sinubukan nila ang basketball o soccer, pero hindi pinalad makapasok sa team. Kailangan natin silang i-cheer-up at ipaintindi sa kanila na marahil, hindi lahat ng tao ay pare-pareho, may mga bata na mas gusto o nag-e-excel sa academic kaysa sa extracurricular, pero huwag natin hayaang isarado nila ang kanilang isip dito.
Importante ang kasanayan ng bata sa iba’t ibang sports dahil malaki ang epekto nito sa kanilang paglaki. Marami silang maaaring matutunan tulad ng diskarte, abilidad, kumpiyansa sa sarili, pakikipagkapwa-tao at marami pang iba. Gayunman, tandaan natin na anuman ang maging resulta ng kanilang pag-try, kahit kailan ay hindi ito magiging sukatan sa kanilang kakayahan.
Copy?





Comments