top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 riders dedbol sa aksidente

Pabs Hernandez III
May 30, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Dalawang riders ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo, kamakalawa sa national highway sa bayan ng Alamada sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Mosaiden Ricor at Allan Gumaway, kapwa nakatira sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklo na minamaneho nina Ricor at Gumaway kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nasabing lugar.

Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page