top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Para sa mga new student o transferee, read n‘yo ‘to! 5 ways kung paano mabilis na makApag-a-adjust s

  • Jersey Sanchez
  • May 29, 2019
  • 2 min read

Ilang kembot na lang ay balik-eskuwela na ang kara­mihan, kaya, for sure, marami na ang excited at nag­si­simu­lang maghanda para rito. Pero, mayroon ding worried dahil transferee sila at hindi pa han­dang mag-adjust. No need to worry dahil we got you, beshy! Narito ang ilang tips para sa mga transfe­ree student upang ma­kapag-adjust ngayong pa­su­kan:

1. ATTEND NEW STUDENT ORIEN­TATION. Siguradong may­roong orientation para sa mga bagong estudyante, kaya besh, huwag mong palampasin ang pagkakataong ito para madagdagan ang iyong kaalaman sa bago mong eskuwelahan. Ma­gandang pagkakataon din ito para alamin ang rules and regulations ng paaralan.

2. HAVE A GOOD STUDY HA­BITS. Bagama’t, bago ang environment mo, make sure na patuloy mo pa ring gagawin ang mga epektibong paraan ng pag-aaral na naka­sanayan mo. Ga­yundin, mabuting pumasok nang ma­aga sa klase at huwag mag-procras­tinate kung may gawain. Inire­re­ko­menda ang paggawa ng timeline para ma-monitor ang iyong schedule.

3. KNOW YOUR FINANCES. Da­hil new school at new environment, sigura­dong magbabago rin ang finances mo. Kaya besh, mabuting alamin mo kung paano mo iba-budget ang iyong ex­pen­ses. Sa gani­tong para­an, maiiwasan mong ma-short kung may kailangan kang bayaran sa school. Okie?

4. DO WHAT’S RE­QUIRED. Regular na pu­ma­sok sa mga klase at ga­win ang mga homework at project, ito ang mga kada­lasang ‘require­ment’ sa bawat subject, ang mga group work. Ang pag­gawa ng homeworks nang maaga ay magan­dang paraan para ma-practice ang mga natutunan mo sa klase.

5. MEET UP WITH FAMILY AND FRIENDS. Para magka­roon ng emotional support, manatiling ko­nek­tado sa iyong mga kaibigan at pamilya nang sa gayun ay mabawasan ang stress na nararanasan mo mula sa ilang pagbabago. Kung hindi ninyo kering mag-meet-up, mga besh, puwede rin namang video call. He-he-he.

Mga bro at sis, huwag na kayong ka­­ba­han sa pag-a-adjust dahil sigura­dong maka­tutulong sa inyo ang ilang tips na ito. Kung may kaibigan o kakilala kayong transferee student, make sure na ibabahagi ninyo sa kanila ang mga ito, ha? Have a good school year, mga beshy! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page