Nora at Jo Berry, invited, no show… GARDO, IKINASAL NA SA EDAD NA 50


NAGPAKASAL na ang Kapuso actor na si Gardo Versoza sa kanyang live-in partner for 13 years na si Ivy Vicencio. Nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki.
Fifty years old na si Gardo kaya naman naisip na niya na mag-settle down at maging legal na ang pagsasama nila ng karelasyon.
Big surprise sa kanyang GF ang kasal na itinaon sa isang event ng Bikers Group na kinabibilangan ni Gardo. Hindi rin nag-imbita ng ibang showbiz celebrities na kaibigan ang aktor. Tanging ang Superstar na si Nora Aunor at si Jo Berry na nakasama niya sa Onanay ang sinabihan ni Gardo, pero hindi nakarating sa wedding ang dalawa.
Anyway, hindi naman nagtampo si Gardo kay Nora dahil naiintindihan niya ang ugali ng aktres.
Sina Gardo at Ivy Vicencio ay ikinasal sa Aglipayan Church last May 18 sa El Kabayo, Clark, Pampanga.





Comments